IBA PANG PANGALAN
Amargoso (Kastila)
Palia, Palya (Ifugao)
Paria (Ilokano)
Bitter gourd, Bitter melon
Balsam pear, Balsam apple, African cucumber (Ingles)
DISTRIBUSYON
Bumubunga buong taon. Pangkaraniwang tinatanim sa buong Pilipinas para sa kanyang nakakaing mapait na bunga.
PARTENG GINAGAMIT
Dahon, ugat at bunga
PAGGAMIT
Almoranas: Ang pinulbos na dahon o pinakuluang ugat ay magagamit sa almoranas.
· Ang katas ng dahon ay ginagamit para sa ubo, pagpupurga ng bulati, at sa pagsasara at paghilom ng sugat.
Kalusugan: Ang dahon at bunga ay nagbibigay ng vitamin C, iron, calcium at iba pang importanteng mineral. Ang katangiang kapaitan ay mababawasan kung ibababad ang bunga sa maalat na tubig bago lutuin. Ang ampalaya ay ginagamit na rin na isang inumin para sa likas at kalusugan ng katawan. Maraming naniniwala na ang kapaitan ay katumbas sa pagkabisa ng ampalaya. May ilang pagaaral na nagmumungkahi ng iba pang kagalingan ng ampalaya: ang pagtulong sa pagaalis na mga toxin at mga lason sa katawan (gaya ng nicotine), ang pagpapatibay ng katawan (Immune system), at regulasyon ng pagbubuntis.
Diabetes: Ang ampalaya ay bagong kinikilalang halamang medisinal sa labas ng Pilipinas para sa paggagamot ng kasakitang Diabetes Mellitus. Inimumungkahi ng ilang sayantipikong pagaaral ng ang ampalaya ay nagtataglay ng isang sangkap na parang "insulin" na tumutulong sa pagbababa ng mataas na asukal sa diabetes. Ang paggamit ng ampalaya ay madalas na ngayong ipinapayo na pangdagdag na paggagamot sa diabetes.
Preparasyon
· Pasingawan o pausukan ng kumukulong tubig ang talbos ng dahon ng ampalaya at kainin ang kalahating tasa dalawang beses sa isang araw.
· Magpakulo ng anim na kutsara na tinadtad na pinong dahon ng ampalaya sa dalawang baso ng tubig sa mahinang apoy (15 minutos). Uminom ng 1/3 na tasa, tatlong beses maghapon, 30 minutos bago kumain. Gumamit ng palayok o enamel na lutuan; iwasan ang lutuang aluminyo.
No comments:
Post a Comment